(Source: aileepot)
Kakatapos lang maligo! woooooo fresh~~~ :>
miski sa pagligo ko sinusundan ako ng init. pati ba naman yung tubig na lumalabas sa shower mainit din?!!! hayyy haha grabe:\
(Source: aileepot)
PAG NAKITA NI AILEE ‘TO, YARI AKO! HAHAHA!
Nakita ko lang yung photo habang nagbabrowse ako sa mga old folders ko! Haha. Di ko alam kung ilang taon na siya dito, 6 years gap namin pero di ko rin matandaan kung kailan ‘to, kaya di ko rin alam kung ilang taon na ko dito. Haha. Batang bata pa siya dyan, ngaun dalaga na! Hehehe :D
Mas maganda na siya ngaun kesa noon. :D Hehe *peace
Ayan sinama ko na din picture kong panget para di ako gantihan. Baka di ako papasukin ng bahay pag-uwi ko bukas eh. HAAHAA! :))
HAHAHAHAHA SHET!
grabe namiss ko magonline sa pc/laptop.
sira kasi desktop namin eh. kaya naka netbook lang ako. hindi pa din ako satisfied.
infact sa sobrang pagkasabik ko magcomputer, nagpunta pa ko ng sm para lang makapagonline! haha ang mahal kase eh, P45/hr kamusta naman pano ko naman maeenjoy yung 1hr eh sobrang lamig sa pwesto ko, parang naninigas na yung kamay ko, di ko na ma-click yung mouse hahaha=) pero solve naman ako, nakapag-ol kahit saglit. grabeeeee! may computer shop kami sabay hindi ako makapagonline,=))
pero ayan, mejo ok na din ako at least nakapagol. hahaha
namimiss ko na magblog ng buhay ko!! 1 month walang update huhu :’(
dami ko pa naman kwento :/
Yesterday. March 31, 2012
hahaha super gala eh noh? so what happened?
Sinundo ako ni Dhel dito sa house, nagpunta kami ng SM Munti, para kunin yung pic ni ate saka para bumili ng toner sa Skin 101. tapos nagpunta kami ng wow. nagpa-hair spa ako. grabe antagal niluto sa steamer ng buhok ko. hahaha! almost 1 hour ata. sabi ko pa naman, bilisan lang kasi may lakad pa kami.. ayun, tinext ni dhel si rj para sumama samin sa ATC, pagkatapos ko, umalis na kami papuntang Alabang, iniwan na namin si rj, pano antagal! eh gutom na kami, tapos di pa sinasagot tawag ko. edi nauna na kami. hahaha! :)) pag dating namin, ikot saglit tapos kumain kami sa Magic Wok, mejo di ko trip yung food. nakakaumay haha! si dhel kasi umorder nun. kasi first time ko dun kakain, eh siya may gusto nun, ayun di namin naubos haha pano ang tamis. Korean stir fried beef ata yun.. hahaha tapos nun, nag DQ kami, yung sandwich lang kasi nga umay na umay kami. haha :) tapos ikot ikot muna kami habang nakain, pagbalik namin sa loob, nag Jamaican Patties naman kami. hahahaha! tag-gutom kami non grabe?! wala gusto lang namin kumaen wala kasi kami magawa eh.. bored tapos si rj barbers pa! antagal dumating. edi nag-ikot ikot muna ulit kami after kumain.. tapos dumating na siya, eh nasa Bayo kami nun, sabi niya kita-kita daw sa DQ, edi dun na kami, nagyaya naman ulit kumain, eh busog na busog na kami. haha :)) kaya nag Burger King kami pero siya nalang kumain,nagfries nalang kami ni dhel.. haha foodtrip talaga kami, tapos gala ulit, kwentuhan. badtrip si rj, gymmers eh! lahat ng madaanan namin na store na about sa pag ggym, pinapasok! shoes, yung vitamins, yung shake, ewan ko! haha tas antagal tagal pa niya. tanong ng tanong ng kung ano ano, kaya iniiwan namin siya ni dhel. haha :)) tapos punta kami ng Festi, ganun din ginawa niya dun, nagtanong ng nagtanong haha nakaka-asar eh :)) pero masaya naman kami nun, mejo sumakit lang paa ko, kaya gusto ko na talaga umuwi. saka alam kong mauubos pera ko, baka kasi magyaya nanamam sila manood ng sine. haha :))
kaya uwian na. tapos pag-uwi ko, walang tao sa bahay!!! ako lang mag-isa?! haha natulog ako saglit at nanuod ng american idol replay :)
Andami kasing nagyayaya sakin gumala/tumambay kahapon. edi ang hirap magdecide kung kanino ako sasama. Sabi ng mga highschool friends ko “Tara tambay!” “Nood movie!” “Tara kela Lee!” -ANOOOOO? lakas magyaya sabay samin pala magpupuntahan? hahahaha! sabi ko nalang magdala sila food kase wala ako papakaen sa kanila, ako lang tao sa bahay namin haha!ayun niluto ko nlng yung potato sa ref, ginawa kong mojos haha :)) favorite!
tapos unang dumating si jusip.tapos dumating nadin si ate, nood kami ng walking dead. then dumating na din iba ko pang classmates. si luse, char at solo. tapos si jim, si miwa, ska gab. food trip lang kami tapos kwentuhan. hahaha laftrip lang :)) pinag-tulungan si char >:))
mga pinanood namin : Walking Dead season 2 ep 9,10 and 13. Wrong Turn 2
i was with my high school friends again yesterday:) hahaha walang kasawaan sa pag-gala. :) dapat atc kami kahapon, kaso nagkatamaran na magpunta, kaya nag SB nalang kami instead of Jamaican :) masaya naman. kaso hindi ako nakabili ng shoes. pano kontrabida tong dalawa na to! ayaw ako pabilhin!! sabi ko hindi ako makakatulog kapag di ko nabili yung gusto ko. hahaha :)) kaso ang mahal nung shoes 1500 eh 1200 nalang money ko, hahaha better luck next time nalang, tapos dapat naman pants bibilhin ko, kaso wala ako magustuhan haha. nako. wag na ngang bumili!! kumaen nalang kami tapos nag-ikot ikot. tapos umuwi na din =) buti hindi na umulan non. mejo ambon lang.. i miss my friends pa din!!
Last Friday, March 23,2012.. Graduation ng cousin ko,(prep) kaya nagpunta kami ng Sta. Rosa para umattend, ayun..1st Honor siya at nagkanda kuba na sa dami ng medals and ribbons na nakasabit sa kanya. haha :) mejo nakakaiyak lang yung speech niya, she was thanking her Mom, (my diseased Aunt and former Principal of their school) for all the love and care that she gave her. For teaching her lessons everyday. etc. My Auntie’s co-teachers also gave tribute/recognition for all the good thoughts she shared with them. (mejo hindi ko talaga naiwasan na hindi maluha dahil dun..) Imissyou Auntie Nini.. :(
tapos after ng graduation, pinakain kami kasama ng mga board of directors, andami lang food kaya bloated talaga ako. haha! sobrang busog ko nun, talagang hindi ko na malunok yung kinakain ko.. pagkatapos namin kumain ni Dhel (younger cousin) Nagtext sa kanya si RJ, gala daw kami. tapos si Pau naman nagyayaya sakin, tinatanong kung makakasama ako sakanya. eh gagala nga kami nila RJ at Dhel. sabi ko hindi ako pwede, yun pala, magkasama na sila ni RJ! hahaha :)) (bromance kasi yung dalawa na yon lagi magkasama, best friends ata sila) so ayon, festi daw kami.. eh nasa sta rosa pa kami nun. tapos nung uuwi na kami around 6pm sabi namin mag-express way na kami para pag-baba namin festi na. KASO! walang jip na masasakyan kaya no choice, hi-way lang daan namin. text ng text samin yung dalawang tulegs kung nasan na daw kami? haha! 8pm na kami nakarating ng festi. tapos nagcr muna kami saka bumili ng sabon si dhel sa watsons haha, yung nirecomend ko sa kanya na acid soap(effective naman kasi!) :)
tinext namin si Jheza (younger cousin) na sumama samin. nako, hindi daw siya pwede at masakit puson niya. kaya ayon kami kami nalang..
sabi namin ni Dhel, mag Antakya nalang kami. tapos ewan ko dun sa dalawa kung bakit ayaw bumaba sa 4th floor. kaya umakyat nalang din kami kasi nandun sila. tapos sabi namin anong gagawin natin? puro suggestion, tapos nauwi din sa sine, gusto ata nila panoodin kasi yung Hunger Games. pero hindi nila alam kung anong kwento haha! kaya yon, ayun nalang yung pinanood namin. tapos edi bibili na kami ng ticket. buo yung pera ko, kaya sabi ko isa-isang bayad nalang, wag na pagsamahin. tapos si RJ sinabi na APAT daw! sakto bayad nila tapos ako 1k pera ko. sabi nung babae, “pagsamahin niyo nalang yung bayad niyo.” sabi ko. “wag ate!” tapos inabot ko yung pera ko, biglang nanakbo si RJ at Dhel! mga kups talaga yon! alam ko nang ayon yung gagawin nila kaya ayokong pag-samahin bayad namin! amp! tapos sabi ko. “oy RJ bigay mo yan! 700 plus din yon!!” edi inabot na saken. lintek! kulang ng isang daan, nilagay na niya sa bulsa niya. tapos ako dinudukot ko sa bulsa niya, ayaw talaga! wag ko daw siya rapin! hahaha nahiya naman ako kaya. sige sayo na!!!
Pagkabili namin ng ticket, punta kami sa shopwise. bibili daw si rj dun ng chicha. edi ikot kami ng ikot, tapos nagtatalo pa kami kung anong bibilhin namin. tapos mga 20 mins, magbabayad na kami, sabay ang haba ng pila! haha tapos iniwan ni rj ung bibilhin nya, edi kami din, tapos umakyat nalang kami. haha baliw baliwan eh. dun nalang kami bumili ng food sa may theater.
saka ko lang na-realize na ako pala lahat gumastos para sa food namin. sabi ni RJ, hati daw kami ng bayad sa pop corn, 100php nagbigay ako ng 50php. tapos para sa water ko 20php. edi 70php lahat ng contribution ko, tapos 3 water pa. total of 170php. sabi ko kay dhel. oy daya mo! di ka nagbigay! sabi niya ayan eh sakto na 170. sabi ni RJ, oo nga, ako nga 100php eh. nasa bahay na ko nung naisip ko na 100php ko yun eh!!! HAHAHAHA
ayun na, nanood na kami, wala na kami maupuan kasi late kami! 9pm start(last full show) tapos pumasok kami mga 9:15 na ata. haha dun kami tuloy nakaupo sa may 2nd row sa harap. nakakahilo sobra, mejo hindi ko nga naenjoy yung movie eh. kasi nung una clueless talaga ako kung anong story niya. tapos naalala ko na parang napanood ko yung trailer nun sa commercial. haha tapos kinwento ko kay RJ, tapos pinakwento din ni Pau. tapos nood na ulet. ansakit ng likod ko grabe. di ako makastretch dun sa inuupuan ko. tapos yung legs ko parang kinukuryente na. hahaha :) tapos inaantok na ko, nahihilo pa kasi ang lapit namin sa screen. *nood* *tinapos yung movie* *late na lumabas kasi madaming tao* *nag cr* pag labas namin, si Rj at Paulo nakasilip dun sa kabilang theater haha! My Kontrabida Girl yung palabas, kaso mejo late na non, 11:30pm na ata. tapos may pasok pa yung dalawa. kaya uwi na kami.. tapos laftrip yung jewelry shop sa 2nd floor, may banko (stool) dun sa lock ng pintuan nila. haha! jewelry shop tapos ganon yung lock. hahaha tawa kami ng tawa. tapos yung escalator naka patay na. kaya lakad kami pababa. sa unahan kami ni Dhel tapos si RJ biglang tumakbo pababa samin, muntik na kami mahulog! hahaha natakot ako eh, tapos yung tunog pa ng paa niya. *creepy* paglabas namin sasakay ng jip, laftrip din. puro tawa :D tapos antok na ko sa jip.. pagkauwi namin shower lang ako, nood tv tapos hindi pa ko makatulog. ansakit ng ulo ko. haha kakainis. so ayon nakatulog din. 7am lang ata gising na ko… bangag pa ko, tapos may lakad pa ko ng hapon. >__<
—habaaaaaaaaa :)